Wikipilinas, pinarangalan sa Digital Filipino Web Awards
Mula Wikifilipino
Pinarangalan ang Wikipilipinas sa ika-apat na Digital Filipino Web Awards noong 24 Nobyembre 2010 sa Hotel Intercontinental sa Makati. Nananalo ng Wikipilipinas sa kategoryang Reference (Sanggunian).
Kinilala ng naturang parangal ang 27 sa mga nangungunang websites sa Pilipinas batay sa iba't ibang kategorya. Ang tatlong kategoryang ginamit ng organisador ng parangal, ang DigitalFilipino.com, ay ang search engine competitiveness, technical performance, at social media engagement. Ito ay mga katangiang taglay ng isang website upang ito'y makilala at makatulong sa mga tao upang magbigay ng impormasyon at serbisyo sa mga gumagamit ng Internet. Ginamit ng Digital Filipino ang Search Profile Index upang matukoy ang mga nanalo ngayong taon.
Ang kasalukuyang punong patnugot ng Wikipilipinas na si Merck Maguddayao ang tumanggap ng parangal. Ang mga naunang punong patnugot ng Wikipilipinas ay sina Ma. Jordianne Hernandez, Audrey Lazaro Jalandoni, Jordan Dioquino, Jessica Marquinez, at Baripov Guerrero samantalang ang dating patnugot ng WikiFilipino ay si Sally Eugenio. Ang patnugot naman ng pinakabagong proyekto ng Wikipilipinas, ang Wikihealth, ay si Maureen Flores.
Talaan ng mga nanalo
- Automotive (mga sasakyan)
- Banking (bangko)
- Community (komunidad)
- Corporate (negosyo)
- Directory (talaan)
- Entertainment (showbiz)
- Fashion” (pananamit)
- Gadget (elektronikong kagamitan)
- Gaming (elektronikong laro)
- Government (pamahalaan)
- Insurance (seguro)
- Jobs (trabaho)
- Magazine (lathalain)
- Marketplace (tindahan)
- Newspaper (pahayagan)
- Organization (organisasyon)
- Portal (lagusan)
- Reference (sanggunian)
- Retail (tingian)
- Reviews (mga repaso)
- School (paaralan)
- Social network
- Sports (palakasan)
- Technology (teknolohiya)
- Telecommunication (telekomunikasyon)
- Television (telebisyon)
- Travel (paglakbay)
Sanggunian
- 2010 Digital Filipino Web Awards. (Hinango noong 25 Nobyembre 2010).
- De Leon, Mikhaela. WikiPilipinas hailed best reference site in web awards. Vibal Foundation. (Hinango noong 25 Nobyembre 2010.
Dapat lang na makatanggap sila ng parangal dahil sa kanilang pinamalas na galing gamit ang mga maka bagong teknolohiya. Dahil din sa inbensyon ng mga teknolohiyang ito mas madami ang kanilang natutulungan,dahil madami ang nakakagamit nito sa mabuting paraan. Mas napapalawak ang kakayahan at kaalaman ng mas maraming tao hindi lamang ng mga kabataan sa ngayon.
Sa tingin niyo mas nakatulong kaya ang mga makabagong inbensyon sa panahon ngayon?bakit?
sa paanong paraan ito nakaapekto at nakakatulong sa mga kabataan sa ngayon?